Consular ops balik na sa Enero 21 – DFA

Consular ops balik na sa Enero 21 – DFA

January 18, 2022 @ 9:18 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang muling buksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang consular offices nito matapos ang temporary suspension na dala ng pagsirit ng Covid-19 cases sa National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa.

Sa public advisory, sinabi ng DFA Office of Consular Affairs (OCA) na magpapatuloy na ang operasyon ng ilang consular offices (CO) at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) simula Enero 21, araw ng Biyernes.

Kabilang dito ang DFA OCA in Aseana Business Park sa Parañaque City, NCR Central, NCR East, NCR North, NCR Northeast, NCR South, NCR West, Antipolo, Angeles, Baguio, Dasmariñas, Iloilo, Lucena, Malolos, San Pablo, TOPS Newport Mall, TOPS Robinsons Las Pinas, TOPS Robinsons Novaliches, TOPS Robinsons Place Magnolia, TOPS Robinsons San Pedro Laguna, TOPS SM Aura, TOPS SM Manila, TOPS SM Mall of Asia, at TOPS SM North Edsa.

Ang consular offices sa mga lungsod ng Dumaguete, Legazpi, Puerto Princesa at Tacloban ay magbabalik-operasyon sa Enero 24.

“Those whose appointments were affected by the suspension were advised to check their email for details on their new appointment schedule,” ayon sa DFA.

“Those with “validly urgent and emergency cases” are advised to contact their respective CO or TOPS,” dagdag na pahayag ng DFA.

Ang bagong iskedyul at contact details ng COs at TOPS ay available sa DFA website na https://dfa.gov.ph/dfa-news/statements-and-advisoriesupdate/30051-public-advisory-updates-on-the-temporary-closure-of-several-consular-offices. Kris Jose