Consultant daig pa ang Kume ng liga

Consultant daig pa ang Kume ng liga

July 22, 2021 @ 11:07 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakalimutan ata ng  ungas na consultant ng liga kung ano  ang kanyang trabaho sa loob ng tournament matapos sugurin ang assistang coach sa ongoing game dahil sa pag-angal sa tawag ng referee.

Banas  na banas  umano ang consultant dahil sa pagiging maangas ng asst. coach ng isang team na laging umaangal sa tawag ng referee na daig pa umano ang  head cosch.

Kuwento sa amin ng isang dating coach na nakapanood ng laro  sa Mindanao, wala umanong karapatan ang consultant kahit pa maging Commissioner ng liga  para  duru-duruin  ang asst. coach ng  team

Naturingan pa naman na  professional ang consultant ng liga pero wala sa ayos kung umasta. Pwede naman niyang  pa-warningan   sa referees ang asst. coach na maangas.

Hindi kataka-taka kung bakit nawala ang amatuer league  noong ito ang humawak dahil sa kanyang ugali. Lahat gusto pakialamanan. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •