Ito ang reaksyon ng mga kilalang political analyst kaugnay sa banggaan nina presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at VP Leni Robredo sa pagka-Pangulo sa nalalapit na halalan.
Sakaling lumabas nga ang resulta ng eleksyon pagkatapos ng Mayo 9 kung saan inaasahang 56 porsyento ng mga botante ang kakabigin ni Bongbong,magiging kauna-unahan ito sa kasaysayan ng bansa bilang majority President.
Bagaman may ilang tumataas ang kilay hinggil sa inilalabas ng Laylo, Publicus Asia at Octa Research na bago pa lang na mga survey group subalit hindi kayang tibagin ng anomang kontrobersiya na kesyo bayad ang SWS at Pulse Asia bunsod sa ang resulta nito ay produkto ng kritikal at masusing scientific survey na isinagawa ng mga eksperto.
Kung taglay pa rin ni Bongbong ang suporta ng mahigit 50 porsyento ng mga botante tatlong araw bago ang halalan,’yun ay dahil tumagos sa puso’t isipan ng sambayanan ang kampanya nitong pagkakaisa at hindi bangayan sa gitna ng pandemya.
Tinangkilik din ng taumbayan ang makatotohang solusyon nito kaugnay sa kaliwa’t kanang mga suliranin ng bansa ngayon tulad ng renewable energy na sagot sa lumalalang krisis sa kuryente, pagpapalakas ng agrikulturang tutugon sa kakulangan ng suplay ng bigas at iba pang pangunahing pagkain,independent foreign policy kung saan protektado ang interes ng bansa at hindi kayang diktahan ng sinomang super power at pagpapagawa pa ng malalaking INFRA at kalsada na mapapakinabangan ng ordinaryong mamamayan.
Sabi nga ng Pulse Asia,sarado na ang kaisipan ng boboto para kay Bongbong laban sa patuloy na ibinabatong paninira ng mga tagasuporta ni VP Leni.
Oo nga’t eleksyon pa rin ang magtutuldok ng banggaan ng dalawa ngunit isang napakalaking Milagro ang game changer sa popularidad ng Bise-Presidente na hindi na umusad sa kasalukuyang 23 porsyento.
Ibig sabihin, ang boses ng nakararaming kababayan ngayon ang nagsasabing si Bongbong ang uupong susunod na Pangulo ng bansa.
SALUS POPULI EST SUPREMA LEX! THE VOICE OF THE PEOPLE IS THE SUPREME LAW!