Contact tracers hirap sa  Omicron surge – Magalong

Contact tracers hirap sa  Omicron surge – Magalong

January 28, 2022 @ 1:53 PM 8 months ago


Manila,Philippines — Iginiit ni tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hirap ang contact tracers ng bansa sa mga kaso ng COVID-19 sa gitna ng Omicron surge.

“On contact tracing, nahihirapan talaga, admittedly nahihirapan, especially na hindi natin na-extend yung services ng 16,000 DILG-hired contact tracers kaya umaasa tayo ngayon sa uniformed services,” ani Magalong sa Laging Handa public briefing.

Dagdag pa nito, ilan sa local government units (LGUs) ay nakatuon lamang sa close contacts ng mga kasama sa bahay ng COVID-19 patients.

Payo pa ni Magalong sa LGUs, mag-focus sa first-generation close contacts kaysa i-trace ang second-generation contacts.

 “Pero nitong tinamaan tayo ng Omicron, ang isang contact tracer hinahawakan nya mga 30, 40 cases and it’s very, very impossible to be able to process all these patients.”

“Talagang naooverwhelm na ang ating contact tracers,” punto pa ni Magalong.  RNT/FGDC