Contact tracing app ilulunsad ng DOTr-MRT3 sa Enero 18

Contact tracing app ilulunsad ng DOTr-MRT3 sa Enero 18

January 13, 2021 @ 7:48 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ilulunsad ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ang isang contact tracing app upang mapadali ang contact tracing.

“MRT-3 Trace is a web application that will help us and the passengers avoid further transmission of the virus through direct contact between our commuters and personnel. It will ease the process of contact tracing, and thus, prevent long queues in stations,” pahayag ni MRT3 Director for Operations Michael Capati.

Nakatakda ang soft-launch nito sa Enero 18.

Suportado naman ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Starting January 18, passengers may use the DOTr MRT3 Trace. But to give time for our passengers to familiarize themselves with the new app, full implementation will be in February 2021,” ani Capati.

Upang marehistro, maaaring bumisita sa trace.dotrmrt3.gov.ph kung saan hihingi ng pangunahing impormasyon tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, tirahan, at contact number.

Kailangan lang mag-scan ng unique quick response (QR) code na nasa mga istasyon.

Matapos nito ipakikita ng pasahero ang verification message sa security guard bago pumasok sa istasyon.

Susundin ng pamunuan ng MRT3 sa panuntunan ng Republic Act 1017 o ang Data Privacy Act.

Ang pagrerehistro sa MRT3 Trace ay libre ayon sa DOTr-MRT3.

Para naman sa pasaherong walang smartphone, maaari pa ring ang mano-manong pagsulat sa health declaration. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...