Contact tracing palakasin vs Delta variant – NTF adviser

Contact tracing palakasin vs Delta variant – NTF adviser

July 8, 2021 @ 5:20 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ng National Task Force adviser sa gobyerno na unahin nang palakasin ang contact tracing capability ng bansa bago pa umatake ng maramihan ang Delta COVID-19 variant na sinasabing mas nakahahawa.

“I think ‘yung Delta [variant], talagang eventually baka makapasok ‘yan, ang next step ay paigtingin ‘yung contact tracing, yung test-trace-and-treat, ma-test na agad sila, ma-isolate sila at mapigilan at mahanap lahat sila para mahinto natin ‘yung transmission nitong bagong variant na ito,” ani NTF adviser Ted Herbosa sa televised public briefing.

Sa ngayon, umabot na sa 19 ang naitalang kaso ng Pilipinas ng Delta variant, matapos na madagdagan ito ng dalawa ngayong linggo.

Sa kabila nito, ang lahat naman ay napigilan at wala pa umanong nangyayaring local transmission ng virus, ayon sa Department of Health (DOH).

Ani Herbosa na nararanasan na ang pananalasa ng Delta variant sa 90 bansa.

“Kailangan mag-ingat pa rin tayo. We need to keep our border control strict pero aside from that, kailangan tuluy-tuloy pa rin ang pagsuot ng face masks, face shield at ‘wag masyadong magpunta sa matataong lugar, very important din na palakasin natin ‘yung testing at contact tracing natin,” dagdag pa ni Herbosa. RNT