Contact tracing walang kinalaman sa personalized text scam-DOH

Contact tracing walang kinalaman sa personalized text scam-DOH

September 13, 2022 @ 7:37 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Health (DOH) na may kinalamang ang contact tracing na ginawa nito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa tumataas na kaso ng spam messages na may laman na personal na pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

“We don’t think that that would be a cause or a factor from our contact tracing systems as these contact tracing applications were vetted by the DICT (Department of Information Communications and Technology) as well as the (National) Privacy Commission,” ani DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire sa House appropriations panel.

Sinabi ni Vergeire na dapat sumunod ang mga local government unit sa ilang mga kinakailangan at kundisyon para makapagtatag ng mga naturang aplikasyon.

“We don’t think that the leakage in personal data came from this kind of contact tracing efforts of the government,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng dating opisyal ng National Telecommunications Commission na si Edgar Cabarios sa CNN Philippines na ang contact tracing form ay maaaring kabilang sa mga mapagkukunan ng impormasyon na ginagamit sa mga personalized text message.

Sa ngayon, kapwa iniimbestigahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang paglaganap ng spam messages na may laman na personal na datos ng mga konsumer. RNT