Contempt of court ibinababala ng SC kay Badoy

Contempt of court ibinababala ng SC kay Badoy

September 27, 2022 @ 4:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Parusa ang kakaharapin ng sinuman na patuloy na nag-uudyok ng karahasan sa social media na maaring maglagay sa isang hukom sa panganib.

Ito ang babala ng Supreme Court matapos talakayin ang naging pahayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lorraine Badoy laban kay Judge Marlo A. Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court, Branch 19.

Si Judge Malagar ang naglabas ng desisyon na nagbabasura sa hiling ng Department of Justice na ideklarang terrorist group ang CPP-NPA.

Ayon sa SC, mahaharap sa parusang contempt of court ang sinuman na magbabanta laban sa isang hukom at sa pamilya nito.

“The Court STERNLY WARNS those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families, and that this SHALL LIKEWISE BE CONSIDERED A CONTEMPT OF THIS COURT and will be dealt with accordingly.”

Una nang inakusahan ni Badoy si Judge Malagar na nag aabugafo para sa CPP-NPA nang ihayag nito na ang rebelyon at political crimes ay hindi maituturing na acts of terrorism.

Sinabi pa ni Badoy na kung papatayin niya ang naturang judge dahil sa kaniyang political belief dapat maging maluwag din sa kaniya ang korte gaya ng ginagawa umano sa CPP NPA NDF.

Tinawag din ni Badoy ang hukom na walang prinsipyo at kaibigan ng CPP NPA NDF. Teresa Tavares