Content, engagement ng vloggers ikokonsidera bago bigyang-akreditasyon

Content, engagement ng vloggers ikokonsidera bago bigyang-akreditasyon

June 10, 2022 @ 9:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Papasadahan munang mabuti ni Incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief Trixie Cruz-Angeles ang content ng mga vloggers bago pa ikonsidera na i-accredit ang mga ito na makapag-cover sa mga aktibidad ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Angeles, kasalukuyan na nilang sinusuring mabuti ang accreditation policy ng mga pinayagang sundan si Marcos, sa oras na maupo na ito sa puwesto sa Hunyo 30.

“The old policy requires a certain number of followers. If this should happen, we might be also looking at engagement of each of the vloggers. We need to know if people are responding to their posts, to the information they’re giving out, and the kind of discussion that are ongoing,” ayon kay Angeles.

Tinukoy ni Angeles ang umiiral na polisiya na hindi pa naipatutupad ng kasalukuyang PCOO leadership, na aniya ay pinapayagan ang mga vloggers na mag-cover ng mga presidential activities.

“If we’re going to accredit, who can be accredited and what is their participation? These are open for us to investigate and to study. But the timing is also something that we need to discuss and to decide on,” aniya pa rin sabay sabing patuloy nilang sinusuri ang panukalang i-accredit ang mga vloggers.

Sinabi pa nito na malaki ang posibilidad na makasama ng mga vloggers ang Malacanang Press Corps (MPC) sa pagi-interview kay incoming Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at magko-cover sa mga future events nito kung ang panukala ay magkakaroon ng mabungang resulta matapos ang masusing pag-aaral sa accreditation policy.

Ang Malacanang Press Corps (MPC) ay grupo ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang news organizations sa bansa na accredited para mag-cover at mag-ulat ng presidential activities at briefings.

“Angkop ba para sa vloggers na mag-cover ng mga press briefings o dapat iniimbita lang sa particular events? Kapag lumalabas ba ang Presidente, pwede ba silang isama? ‘Yun ay dini-discuss pa natin at magiging bahagi ng bagong polisiya, if we should decide na ito na ang nararapat na oras na ma-include sila sa dissemination ng information ng PCOO,” ayon kay Angeles. Kris Jose