Contract tracing sa NCR ‘di prayoridad – DOH

Contract tracing sa NCR ‘di prayoridad – DOH

January 13, 2022 @ 10:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health na hindi prayoridad sa ngayon ang contact tracing sa National Capital Region sa kabila ng paglobo ng kaso at taas ng transmission ng COVID-19 sa mga komunidad.

Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay base sa scientific study kung saan anila sa mga komunidad ay bawat household na ang nagkakasakit at hindi na kada-indibidwal.

Sa kabila nito, sinabi siniguro pa rin ng Health Department na hindi nangangahulugan na ang pagbabago ng polisiya ay ititigil na ang contact tracing efforts.

Giit pa ng opisyal, magppatuloy pa rin contact tracing  lalo na sa mga rehiyon na may mas mababang kaso.

“Sa ibang region po na hindi ganito ang transmission, contact tracing is still very important for them to be able to intervene and stop the transmission into the community” pahayag ni Vergeire sa isang media forum.

Ito aniya ay upang mahanap ang may sakit at agad ma-isolate para maputol ang transmission.

Sa kasalukuyan, mayroong 86,000 contact tracers sa bansa kasama ang mga volunteers pero dahil sa paglobo ng kaso ang sistema ay na-overwhelmed o napuno na. Jocelyn Tabangcura-Domenden