Contribution hike sa SSS ipinanawagang ipagpaliban

Contribution hike sa SSS ipinanawagang ipagpaliban

December 16, 2022 @ 3:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Employers Confederation of the Philippines ang pamahalaan na ipagpaliban muna ang scheduled contribution hike sa Social Security System (SSS).

Ito ay upang mabawasan ang bigatin ng publiko lalo na sa panahon na nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.

Sa susunod na taon, nakatakdang magtaas ng 1% ang member’s contributions sa SSS.

“All agencies of the government are being asked to look at some ways how to assuage the people because of the increases in prices, inflation. It’s a no brainer an increase that is pending is one way of doing that,” pahayag ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr nitong Biyernes, Disyembre 16 sa panayam ng TeleRadyo.

“I don’t think 1-year postponement will matter much to SSS life and therefore we are appealing that perhaps it can be postponed to another year. Nowadays any increase, even P1 in the cost is felt by the workers and employers,” dagdag niya.

Umaasa din si Ortiz-Luis na tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang kahilingan at magamit ang kapangyarihan nito na iginawad ng Kongreso.

Matatandaan na nauna nang sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines na bagama’t maganda ang intensyon sa pagtataas ng kontribusyon, hindi pa ito napapanahon.

Noong Nobyembre kung babalikan, lumobo sa 8% ang inflation na pinakamataas mula pa noong Nobyembre 2008. RNT/JGC