Convicted murderer-rapist ex-Calauan Mayor Sanchez, kwalipikado sa GCTA – SOJ

Convicted murderer-rapist ex-Calauan Mayor Sanchez, kwalipikado sa GCTA – SOJ

September 17, 2020 @ 2:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance ay maaring mapalaya si convicted killer-rapist ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“He was entitled to GCTA under revised penal code,” ayon sa kalihim.

Ayon pa sa Chief Justice, may bagong GCTA manual na maaring magamit ng Bureau of Corrections.

“Processing was temporarily suspended last year when DOJ, DILG worked on the revised IRR. Now we’ve come up with new rules and regulations which are a lot clearer,” dagdag pa ni Guevarra.

Sa bagong GCTA manual ay mas malinaw na umano ang isyu kaugnay sa mga  heinous crime.

Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14, 1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigan na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...