Coral reefs mawawasak pa rin kahit may Paris Agreement

Coral reefs mawawasak pa rin kahit may Paris Agreement

February 4, 2022 @ 11:01 AM 8 months ago


MANIALA, Philippines – Posibleng masira ang mga coral reef na nagsisilbing tirahan ng sangkapat ng marine wildlife at pinagkukunan ng kabuhayan ng mahigit kalahating bilyong mga tao sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng mga bansang lumagda sa 2015 Paris Agreement para malimitahan ang global warming.

Ayon kay Adele Dixon, researcher sa University of Leeds’ School of Biology, dahil sa climate change, mahihirapang maka-recover ang mahigit 99% ng mga coral reefs sa buong mundo mula sa mas madalas na marine heat waves.

“The stark reality is that there is no safe limit of global warming for coral reefs,” ani Dixon.

“1.5C is still too much warming for the ecosystems on the frontline of climate change.”

“Our work shows that corals worldwide will be even more at risk from climate change than we thought,” babala pa ng researcher.

Noong 2018, nagbigay ng prediksyon ang IPCC na 70 hanggang 90 porsiyento ng mga corals ang mawawala kapag umabot sa threshold na 1.5 degrees Celcius ang init sa mundo at 99% kung tataas pa ng 2C ang temperatura.

Mula 2009 hanggang 2018, 14% na ng mga coral reef sa buong mundo ang binura ng global warming na sinamahan pa ng polusyon. RNT