Cordoba ng NTC, bagong COA chair

Cordoba ng NTC, bagong COA chair

October 21, 2022 @ 4:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba bilang bagong chairman ng Commission on Audit (COA).

Ito ang kinumpirma ng Public Information Office ng Supreme Court nitong Biyernes, Oktubre 21.

Ayon sa SC, hapon din ng kaparehong araw nang manumpa sa opisina ni Chief Justice Alexander Gesmundo si Cordoba para sa bagong katungkulan.

Papalitan niya si former solicitor general Jose Calida na nagbitiw sa pwesto kamakailan. RNT/JGC