Cordoba, Ople lusot na sa CA; deliberasyon ng appointment ni Lotilla, sinuspinde

Cordoba, Ople lusot na sa CA; deliberasyon ng appointment ni Lotilla, sinuspinde

November 29, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) nitong Martes ang ad interim appointments nina Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba at Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Uupo si Cordoba bilang chairman ng state audit agency hanggang Pebrero 2, 2029.

Samantata, magsisilbi si Ople bilang unang kalihim ng bagong-tatag na DMW hanggang matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantalam sinunspinde naman ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Raphael Lotilla bilang Energy Secretary dahil sa kakulangan ng material time.

Binigyang-hudyat ni Senator Joseph Victor Ejercito ang pagsuspinde sa hearing dahil sa time constraints.

“On the motion of the (assistant) majority leader (Sen. Ejercito), we suspend the deliberation on the ad interim appointment of Raphael Lotilla, secretary, Department of Energy, to resume until further notice,” ani Senate President Pro Tempore Loren Legarda, chairperson ng CA committee on energy.

Bago suspendihin ang hearing, inihayag ni Legarda na ilang miyembro ng CA panel ang hiniling pa rin na tanungin si Lotilla ukol sa kanyang appointment. RNT/SA