Costume ni Anne, pang-back up lang ni Maja!

Costume ni Anne, pang-back up lang ni Maja!

July 15, 2022 @ 3:53 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Tiyak na gagawan ng isyu ng mga intrigero ang suot ni Anne Curtis sa pictorial shoot para sa kanyang comeback concert at suot ng dalawang backup dancers ni Maja Salvador sa darating na episode ng Eat Bulaga.

Magkaiba nga lang ng kulay pero mapapansing parehong-pareho ang tabas at design ng outfit ni Anne at ng dalawang backup dancers.

Siyempre, mas bongga ang suot na jumpsuit ni Maja.

The intriguing part here is that magkatapat ang show ni Maja na Eat Bulaga at ni Anne na It’s Showtime.

Lumalabas kasi na ang outfit ni Anne ay pang- backup dancer lang ni Maja.

Pero baka coincidence lang ‘yon.

Kaso sumobra naman ang pagiging coincidental ng magkaparehong outfit.

Iisa lang ba ang nagdisenyo ng mga kasuotang ‘yon?

Iisa rin ba ang tumahi?

Huwag naman sanang pagmulan ‘yon ng intriga sa pagitan ng dalawang magka-network dati.

Besides, magkaiba naman sila ng talent: pagkanta kay Anne samantalang pagsasayaw kay Maja.

Huwag lang isuot ni Anne ang costume niyang ‘yon sa It’s Showtime na katapat mismo ng programang kinabibilangan ni Maja! Ronnie Carrasco III