Cotabato mayor nagsampa ng DQ case vs karibal

Cotabato mayor nagsampa ng DQ case vs karibal

May 6, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsampa ng disqualification case ang alkalde ng Cotabato na si Frances Cynthia Guiani-Sayadi laban sa kanyang karibal dahil sa umano’y vote buying sa lalawigan.

Sinabi ng abogado ni Guiani-Sayadi na mayroon silang patunay na ang kanyang karibal na si Mohammad Ali Dela Cruz Matabalao ay diumano namimili ng boto sa mga residente sa lalawigan.

May mga video at affidavit umano ang kanilang kampo bilang patunay na gumamit ng bigas si Matabalao at nagbigay ng P1,000 kada indibidwal kapalit ng kanilang mga boto sa araw ng halalan. RNT