Counter-charges sinisilip ng ‘Tinang 83’, mga taga-suporta sa ‘bungkalan’ incident

Counter-charges sinisilip ng ‘Tinang 83’, mga taga-suporta sa ‘bungkalan’ incident

June 18, 2022 @ 4:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Kinokonsidera ng 83 Tinang farmers at kanilang mga taga-suporta ang paghahain nh counter-charges laban sa Tarlac police para sa sa umano’y marahas na pag-aresto sa ceremonial cultivation ng lupa o “bungkalan.”

Sa isang media forum na inorganisa ng InfraWatch PH nitong Sabado, sinabi ni Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo member at award-winning poet na si Angelo Suarez, na isa sa mga naaresto, na kabilang sa mga opsiyon nila ang paghahain ng countersuits na tinatalakay na nila kasama ang mga abogado.

Sinabi ni Suarez na nakikipag-usap na sila sa SENTRA o Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo — isang organisasyin ng mga abogado na nagbibigag ng libreng legal service sa mga magsasaka — ukol sa mga susunod na hakbang hinggil sa mga kaskng isinampa sa kanila sa Capas, Tarlac Municipal Circuit Trial Court.

“Sila ang pangunahin naming kausap tungkol sa pagfa-file ng counter-charges kasi dinahas kami, naantala ang gawain ng mga magsasaka na naagawan sila ng kabuhayan, apat na araw kaming nakapiit,” pahayag niya.

Matatandaang naaresto ang mga magsasaka at kanilang mga taga-suporta nitong nakaraang linggo dahil sa “malicious mischief and obstruction of justice” sa pagsasagawa ng “bungkalan” 9 collective farming activity sa Hacienda Tinang upang gunitain ang anibersaryi ng pagkaka-pasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) law.

Tumanggi namang maghain ng plea ang Tinang 83 para sa malicious mischief at illegal assembly charges laban sa kanila.

“Tapos na arraignment and an overwhelming majority of the Tinang 83, when asked by the court how they would plea, have manifested, I am being harassed by the state, I refuse to enter a plea,” ani Atty. Erickson dela Cruz, co-counsel para sa Tinang 83.

“The court then entered a plea of not guilty for these accused,” dagdag ni dela Cruz.

Bukod sa malicious mischief at illegal assembly, naghain pa ang mga pulis ng karagdagang kaso – resistance and disobedience, obstruction of justice, at usurpation of real rights – sa arraignment. RNT/SA