Counter-terrorism, data privacy agreement, lalagdaan sa pagbisita ni PBBM sa Singapore

Counter-terrorism, data privacy agreement, lalagdaan sa pagbisita ni PBBM sa Singapore

September 2, 2022 @ 9:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang lagdaan ang mga kasunduan sa larangan ng counter-terrorism at data privacy sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Singapore sa susunod na linggo.

Si Pangulong Marcos ay nasa Singapore mula Setyembre 6-7 dahil na rin sa imbitasyon ni President Halimah Yacob.

Manggagaling muna ang Pangulo sa kanyang inaugural state visit sa Indonesia sa Setyembre 4-6.

Sinabi ng DFA na kapuwa sasaksihan nina Pangulong Marcos at Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong ang paglagda sa kasunduan.

Sa magiging pulong ni Pangulong Marcos kina Yacob at Lee, inaasahan na pag-uusapan ng mga lider ang ugnayan ng dalawang Southeast Asian nations, “as well as regional and global issues.”

Magsasagawa rin ng briefings ukol sa negosyo at ekonomiya kasama ang mga investors.

“The president will meet the Filipino community in Singapore “to personally assure them of the government’s continuing commitment to protect their rights and promote their welfare as overseas Filipino,” ayon sa DFA.

Inimbitahan ni Yacob si Pangulong Marcos para bisitahin ang kanilang bansa ilang araw matapos siyang manalo sa May 9 elections.

“Singapore and the Philippines share a warm and longstanding relationship, underpinned by strong economic cooperation and robust people-to-people ties,” ang nakasaad sa liham ni Yacob.

Matatandaang, nagkaroon ng state visit si Yacob sa Pilipinas noong Setyembre 2019. Kris Jose