Court Administrator Midas Marquez, inendorso bilang susunod na Supreme Court Associate Justice

Court Administrator Midas Marquez, inendorso bilang susunod na Supreme Court Associate Justice

July 12, 2018 @ 3:34 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inendorso ng mga Trial Court Judged bilang susunod na mahistrado ng Korte Suprema si Court  Administrator Jose Midas Marquez.

Ginawa ang rekomendasyon ng Philippine Judges  Association (PJA) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isimiteng liham .

Pirmado ang liham ni PJA President Judge Felix Reyes ng Marikina Regional Trial Court.

Giit ng PJA na si Marquez ay karapat-dapat na maitalaga bilang mahistradao ng Korte Suprema na babakantehin ni Associate Justice Presbitero Velasco sa Agosto 8, 2018 dahil may sapat itong karanasan at taglay niya ang mga kwalipikasyon.

Kumpyansa rin umano sila sa integridad at kakayahan ni Marquez na halos tatlong dekada nang nagsisilbi sa Korte Suprema.

Binubuo ng  1,200 mga hukom sa regional trial court ang PJA.

Si Marquez ay kasama  sa shortlist  na isinumite ng Judicial and Bar Council kay Pangulong Duterte para pagpilian ng susunod na mahistrado sa Korte Suprema.

Kasama rin sa shortlist sina  Court of Appeals Associate Justices Ramon Garcia, Amy Lazaro-Javier, Jose Reyes, Apolinario Bruselas at Rosmari Hernando at Dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)