Courtesy resignations sa PNP may basbas ni PBBM

Courtesy resignations sa PNP may basbas ni PBBM

January 6, 2023 @ 5:33 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – May basbas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ipinatutupad ngayong courtesy resignation sa lahat ng general at col sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kampanya pa lamang ay nakalatag na ang naturang hakbang bilang magiging pamamaraan ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Aniya, may ginagawa na ngayong paglilinis o cleansing sa hanay ng PNP at titiyakin nilang makakasuhan ang mga sangkot na opisyal sa illegal drugs.

Winika pa ng Pangulo na titingnan nila ang mga record ng mga opisyal at mula doon ay kanilang matutukoy kung sino ang aasuntuhin.

Ang dapat din aniyang gawin ay case build up para matumbok kung sino – sino ang mga dapat at hindi naman dapat na makasuhan.

Samantala, binigyan diin din ng Punong Ehekutibo na ang mga pulis ay dapat na nagta-trabaho sa gobyerno at hindi sa mga sindikato. Kris Jose