Covaxin ng India maituturok na sa Pinas – FDA

Covaxin ng India maituturok na sa Pinas – FDA

June 25, 2021 @ 3:09 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Binigyan na ng drug regulator ng Pilipinas ng emergency use authorization ang COVID-19 vaccine na gawa ng Bharat Biotech sa India.

Nitong nakaraang linggo lang nang nagsumite ang Bharat ng certificate for good manufacturing practices, na nagkukumpleto sa rekisito para sa pag-export ng Covaxin, ayon kay FDA chief Eric Domingo, Biyernes

“Ngayon maaari na po silang mag-import. Maaari na pong gamitin din dito sa bansa po natin,” ani Domingo sa televised public briefing.

Ayon sa Bharat na kaya nilang gumawa ng 23 milyong bakuna kada buwan.

 

Sa balita ng CNBC-TV18, lumabas na umabot sa 77.8% ang efficacy o bisa ng Covaxin sa phase-3 data nito.

Tinatayang nasa $15-$20 per dose naman ang halaga ng nasabing bakuna para sa foreign governments.

Bukod sa Covaxin ng India, ang mga bakunang nagagamit na rin sa Pinas ay ang  Pfizer-BioNTech, Britain’s AstraZeneca, Beijing-based Sinovac Biotech, Russian Gamaleya Institute, Johnson & Johnson, at Moderna. RNT


  •  
  •  
  •