COVID-19 benefits para sa HCWs ipagpapatuloy sa 2022- DOH

COVID-19 benefits para sa HCWs ipagpapatuloy sa 2022- DOH

January 20, 2022 @ 3:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang pagbibigay ng COVID-19 benefits sa health care workers (HCWs) ay magpapatuloy sa 2022, bilang pagkilala sa kanilang magigiting at walang kapagurang pagsisikap  na tumugon sa pandemya.

Naglaan ang DOH ng P1.08 bilyon sa General Appropriations Act (GAA) 2022 para sa pagbibigay ng sickness at death benefits sa HCWs na nahawaan ng COVID-19 habang nasa duty.

Maglalabas naman ang DOH  kasama ang Department of Budget and Management (DBM) ng Joint Administrative Order sa guidelines  para sa pagbibigay ng mga benepisyo upang mas mabilis at mas madali makuha  ng HCW ang mga benepisyong ito.

Alinsunod sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat bigyan ang mga HCW ng mas mataas na Special Risk Allowance (SRA) sa 2022, na naayon sa kanilang mga panganib, at ipatutupad ng DOH ang ONE COVID-19 Allowance (OCA) ngayong taon.

Ang mga benepisyo na dati nang tinatamasa ng limitadong bilang ng mga HCW- Active Hazard Duty Pay para sa Public Health Workers; Allowance sa Pagkain, Accomodation at Transportation allowance ; at ang SRA, para sa HCWs  na direktang  nakalantad sa mga pasyente ng COVID-19 ay dapat ihinto at palitan ng mas inklusibo at responsive OCA.

“We  are  working hard to make certain that all our HCWs are well –taken care of  by providing them with  benefits that will recognize their efforts in fighting through the COVID-19 pandemic,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Bukod dito,  ang pondo na P50 bilyon, na may P7.9 bilyon  bilang bahagi ng For Later Release (FLR)ay inilaan sa 2022 GAA para sa pagbibigay ng One COVID-19 Allowance .

Gayunman, kung isaalang-alang ang inaasahang mataas na bilang ng mga kwalipikadong health workers, ang DOH  ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Department of Finance upang matiyak na ang natitirang P42 bilyon na kasalukuyang inilalagak bilang hindi nakaprogramang pondo ay uunahin upang matiyak ang pagpapatupad ng OCA hanggang ang estado ng national emergency ay alisin.

“By following MPHS and getting ourselves vaccinated, we show that we value and respect our HCWs. As our dear health workers strive to care for all Filipinos, let us do our part in returning the effort by taking care of them as well,” pahayag pa ng kalihim. Jocelyn Tabangcura-Domenden