COVID-19 booster sa lahat ng kabataang edad 12-17, pwede na – DOH

COVID-19 booster sa lahat ng kabataang edad 12-17, pwede na – DOH

July 5, 2022 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pwede nang magturok ng booster dose ang lahat ng mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Inanunsyo ito ng Department of Health sa kanilang Facebook at Twitter kaninang umaga.

“Yes! Children ages 12 to 17 can now get their additional/ booster doses,” abiso ng DOH.

Matatandaang noong nakaraang linggo, hindi itinuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng COVID-19 booster dose sa mga kabataang non-immunocompromised dahil sa ilang “glitches.”

Samantala, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, anumang araw ay maaari nang simulant ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang COVID-19 booster vaccination basta’t handa na sila.

“It was stated in our guidelines that all LGUs/Vaccination sites who are ready to implement — trained HCWs, with appropriate vaccines, etc. — can already implement,” ang bahagi ng mensahe ni Vergeire sa mga reporter.

Ayon pa sa DOH, ang mga kabataang immunocompromised ay maaaring magpaturok ng booster shot 28 araw pagkatapos ng kanilang primary series.

“Medical centers and hospitals shall be the ones to schedule their immunocompromised pediatric patients ages 12-17 years old once they are eligible,” abiso ng ahensya. RNT/ JCM