COVID-19 booster shot sa bata ‘di pa kailangan – eksperto

COVID-19 booster shot sa bata ‘di pa kailangan – eksperto

March 24, 2022 @ 10:50 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng chairperson ng vaccine expert panel na si Dr. Nina Gloriani na hindi pa umano kinakailangan ang booster shots para sa pediatric population.

Sa Laging Handa briefing nitong Miyerkules, iginiit ni Gloriano na maaaring matagalan pa bago kailanganin ng karagdagang bakuna ng edad 12 hanggang 17 at mas nakababata, na nakabatay umano sa datos na nagpapakita na malakas pa ang kanilang immune response dahil sa kanilang edad.

“Data also show na mas bata, mas maganda ang immune response,” aniya. “So siguro, medyo matatagalan pa bago sila mangangailangan ng booster.”

Subalit binanggit ng eksperto na pag-aaralan pa ng vaccine expert panel kung kinakailangan ng booster shot ng mga bata, lalo na ng mga immunocompromised o may mga sakit. RNT/SA