COVID-19 booster shots, ‘di pa rekomendado – DOH

COVID-19 booster shots, ‘di pa rekomendado – DOH

June 25, 2021 @ 1:37 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa kabila ng presensya ng Delta variant at iba pang variant of concern, sinabi ng eksperto na hindi pa nirerekomenda ang “booster shots” para sa COVID-19 vaccination sa Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist at miyembro ng vaccine expert panel sa Kapihan session ng Department of Health o DOH na kailangan pa ng datos na nagsasabi na kaipangan ng booster shot matapos ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Solante, maaring sa susunod na taon o dalawang taon ay posible na ang booster, depende sa variants na susulpot.

Pero sa ngayon ay kailangan munang hintayin ang data mula sa ibang mga bansa na nag-aaral din hinggil dito.

Ayon pa kay Solante, sa ngayon ay wala pang nakikitang mabigat na epekto ang variant sa bisa ng mga bakunang ginagamit o naiturok sa mga tao sa ating bansa

Aniya, ang mga available na bakun na gamit sa bansa ay napatunayang mabisa laban sa variant of concern.

Giit nito, mahalaga na mabakunahan  kontra COVID-19 ang nakararaming Pilipino hanggang sa makamit ang population protection. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •