COVID-19 case bulletin ngayong Aug 10, delay dahil sa system error

COVID-19 case bulletin ngayong Aug 10, delay dahil sa system error

August 10, 2020 @ 12:42 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakaranas ng system error ang database ng Department of Health o DOH dahilan para hindi pumasok ang mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa COVIDKAYA.

Dahil dito, inanunsyo ng DOH na alas-8 mamayang gabi na lamang mailalabas ang daily case bulletin.

Ayon sa DOH, ginagawan na umano ng paraan ang problema ngunit kailangan pa ng sapat na panahon upang maproseso ang mga nakuhang datos.

Kaya naman imbes na alas-4 ilalabas ang update sa kaso ng COVID-19 sa bansa ay gabi na ito mailalabas ng DOH.

Sa ngayon ay pinaiimbestigahan nan g DOH ang nangyari at tiniyak na ang mga hakbang ay nanatili upang maiwasan ang pangyayaring ito sa hinahanap. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...