COVID-19 case sa Davao City Jail, 76 na – BJMP

COVID-19 case sa Davao City Jail, 76 na – BJMP

December 1, 2020 @ 7:14 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umakyat na sa 76 ang kaso ng coronavirus disease sa Davao City Jail ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay matapos makapagtala ng 28 bagong kaso ng sakit sa nasabing bilangguan.

Batay sa ulat ng BJMP, 25 dito ay mga preso habang tatlo ay tauhan ng bilangguan.

Karamihan sa mga nagpositibo ay asymptomatic habang naka-isolate na ang mga close contact ng mga ito.

Patuloy naman ang contact tracing sa loob ng selda.

Nagsagawa ng mass testing sa Davao City Jail nitong Nobyembre 23. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...