COVID-19 cases: 164 patay; 4,289 dagdag kaso; 6,399 gumaling

COVID-19 cases: 164 patay; 4,289 dagdag kaso; 6,399 gumaling

July 7, 2021 @ 4:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ang Department of Health ng dagdag na 4,289 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan para umabot na sa 1,450,110 ang kabuuang kaso sa bansa.

Nasa 6,399 namang indibidwal ang gumaling kung saan nasa kabuuan na ring 1,377,132 ang total recoveries.

Habang nadagdagan din ng 164 ang pumanaw dahilan para umabot na sa 25,459 ang namamatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (47,519) ang aktibong kaso.

Lahat naman ng laboratoryo ay operational noong July 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Paalala ng DOH, amg kumpletong doses ng bakuna ang susi sa lubos na proteksyon laban sa malubhang sakit dulot ng COVID-19.

Hinihikayat din ang mga senior citizens na piliing  magpabakuna  upang maiwasan ang pagkakaospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden