COVID-19 cases karaniwan sa 2 anyos pababa – DOH

COVID-19 cases karaniwan sa 2 anyos pababa – DOH

July 12, 2021 @ 7:13 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Walang masyadong nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kabataan sa bansa ngunit may mga edad na karaniwang tinatamaan nito.

Ayon ito kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire matapos na payagan ng gobyerno ang 5 taong gulang pataas na lumabas o makapamasyal sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.

Sa DOH Beat COVID media forum, sinabi ni Vergeire na may datos na 0-19 taong gulang na ikinokonsiderang bahagi ng pediatric groups.

Aniya, kapag tinignan ang datos na ito, ang mataas na bilang ng kaso na nagkakaroon ng COVID-19 ay 2 taong gulang pababa at 15 hanggang 19 taong gulang.

Paalala ng Department of Health sa mga magulang at senior citizen na sasama sa mga kabataan kapag lumabas o mamasyal na dapat mayroon pa ring safety protocols.

Ipinaalala rin ni Vergeire na mayroon pa ring kasalukuyang protocols na dapat sundin tulad ng pagsusuot ng mask, bantayan ng mga magulang, caregivers o guardian ang mga bata at kailangang hindi pupunta  sa mga matataong lugar.

‘Kailangan as much as possible maintain your bubble baka  biglang nagsasama-sama na ang different bubbles dun sa pinupuntahan ng mga bata, isa rin po yan sa mga  risk para magkaroon ng infection ang ating mga kabataan” pahayag pa ng opisyal.

Layon aniya ng pagpayag na makalabas ang mga kabataan ay dahil sa science at ebidensya na mayroon nang mga pag-aaral ngayon na lumabas na apektado na ang mga kabataanng pandemya at lockdown.

Nagkakaroon sila ng mga issues mentally at physically at ang kanilang developmental stafes ay naapektuhan na dahil hindi na sila  akalasalamuha  ng ibang tao.

Ani Vergeire, dahil dito nagkaroon ng rekomendasyon base sa mga eksperto sa bansa.

Pero paglilinaw nito, hindi ibig sabihin na binibigyan na ng laya na sobra  ang mga kabataan kaya kailangan pa ring susunod sa mga pamantayan ng ating gobyerno para mabigyan pa rin ng wastong kaligtasan ang mga kabataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden