COVID-19 cases mas mataas sa may edad 2 pababa – DOH

COVID-19 cases mas mataas sa may edad 2 pababa – DOH

July 12, 2021 @ 2:16 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mas mataas ang tsansang tamaan ng coronavirus disease (COVID-19) ang mga batang may edad dalawa taong gulang pababa, ayon sa Department of Health (DOH).

“Ang matataas na bilang po ng mga nagkakaroon [ng COVID-19] ay less than 2 years old and as the age increases, pagdating ng mga 15 years old hanggang 19 years old, doon pa rin nakikita natin na mas mataas kumpara sa ibang mga age groups,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing.

Aniya kasalukuyan pa ring pinag-aaralan ang dahilan ng mataas na kaso sa mga may edad dalawa taong gulang pababa.

Narito ang datos ng DOH sa COVID-19 cases, deaths, at recoveries batay sa pediatric age group:

  • 0 to 4 age group: 12,554 cases (89 deaths, 11,971 recoveries) among females, 14,357 cases (129 deaths, 13,660 recoveries) among males

  • 5 to 9 age group: 13,164 cases (13 deaths, 12,598 recoveries) among females, 14,806 cases (20 deaths, 14,208 recoveries) among males

  • 10 to 14 age group: 18,822 cases (30 deaths, 18,015 recoveries) among females, 19,597 cases (33 deaths, 18,760 recoveries) among males

  • 15 to 19 age group: 30,151 cases (60 deaths, 28,873 recoveries) among females, 28,436 cases (61 deaths, 27,290 recoveries) among males

Kamakailan, pinayagan na ng gobyerno ang paglabas ng may edad lima pataas sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

“Nagkakaroon na sila ng issues both physically and mentally, at ‘yung kanilang developmental stages ay naha-hamper at naaapektuhan because of the lockdowns, because they cannot interact properly with other people,” paliwanag ng opisyal.

“Kaya nagkaroon tayo ng rekomendasyon base sa mga eksperto na kasama natin, pero hindi po niyan ibig sabihin na binibigyan na natin ng laya ng sobra. Kailangan susunod pa rin po tayo sa mga pamantayan,” punto ni Vergeire.

Paalala nito sa mga magulang na siguruhing tatalima sa health protocols para sa mga bata. RNT/ELM