COVID-19 cases: Pinas una na sa Southeast Asia

COVID-19 cases: Pinas una na sa Southeast Asia

August 5, 2020 @ 5:41 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nangunguna na ang Pilipinas sa pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia matapos malampasan ang Indonesia at makapagtala ng 115,980 cases ngayong araw.

Ayon sa ulat ang Indonesia ay mayroong 115,056 cases base sa huling tala nito kahapon, Agosto 4.

Maliban dito, nakapagtala din ang Pilipinas ng pinakamataas na bilang ng mga active case sa Southeast Asian region na may 47,587 at sinundan naman ng Indonesia na may 37,618.

Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming bilang ng naitalang panibagong kaso na nasa 2,434 na sinundan naman ng Laguna na may 105; Rizal na may 101; Cavite na may  73; at Cebu na may 62.

Sa kabilang banda, tumaas naman ang kabuuang recoveries ng bansa na nasa 66,270 matapos madagdagan ng 222 pasyente na gumaling sa nasabing sakit habang umakyat din ang bilang ng mga namatay na nasa 2,123 matapos madagdagan ng siyam. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...