COVID-19 cases sa 53 lugar tataas – DOH

COVID-19 cases sa 53 lugar tataas – DOH

September 16, 2020 @ 4:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 53 lugar sa bansa  na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 “Comparing iyong August 31 to September 13 sa August 17 to 30, overall, there are 53 areas consist of provinces, highly urbanized cities, independent component cities with percentage increase in the number of [COVID-19] cases,” paliwanag ni Vergeire.

“We are closely monitoring these and have coordinated with LGUs (Local Government Units),” dagdag pa nito.

Naobserbahan din aniya ang apat na bagong clustering ng COVID cases sa  Calabarzon at Bulacan.

“Hindi pa po natin talaga masabi na ang trend is going down,” punto ni Vergeire.

“Base po sa pagkaka-analyze namin as of yesterday, meron pa ring certain areas where there is an increasing number of COVID-19 cases. Pero nakapagpahinga naman po iyong health system natin noong nagkaroon tayo ng MECQ (noong August 4 to 18), and we also improved contract tracing.”

“Nakakaagapay naman po ang ating health system so it is a good indication that we are faring better than before,” saad pa ng opisyal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...