COVID-19 cases sa Pinas lagpas 1.48M na

COVID-19 cases sa Pinas lagpas 1.48M na

July 13, 2021 @ 4:54 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sumipa na sa kabuuang 1,481,660 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala pa ng 3,604 na bagong mga kaso.

Ang mga gumaling naman sa naturang sakit ay umakyat na sa kabuuang 1,408,634 at 26,092 naman ang mga namatay na sa sakit dahil sa karagdagan pang 77 na pumanaw batay sa pinakahuling update ng Department of Health.

Ang aktibong kaso naman ay umabot sa 46,934  kung saan may pinakamataas na naitala ay mild cases na nasa 89.6 percent at 4.3 percent naman ang asymptomatic.

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa,  patuloy ding  nanawagan  ang DOH sa publiko ang masusing pag-iingat  laban s apagkalat ng  anumang variant ng COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden