COVID-19 cases sa Pinas, lagpas 4 milyon na!

COVID-19 cases sa Pinas, lagpas 4 milyon na!

October 28, 2022 @ 7:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lagpas 4 milyon na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya.

Ito ay makaraang makapagtala nitong Biyernes, Oktubre 28 ang Department of Health ng 1,551 bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa kagawaran, 4,000,783 na ang total cases ng sakit sa buong Pilipinas.

Samantala, tumaas naman sa 21,685 ang aktibong kaso ng COVID mula sa 21,215 na iniulat nitong Huwebes.

Nananatiling pinakamataas sa mga nakapagtala ng bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region sa 5,944, sinundan ng Calabarzon sa 3,478, Central Luzon sa 2,037, Western Visayas sa 1,689, at Davao Region sa 1,226.

Ang recovery tally naman ay umakyat sa 3,915,139, samantala ang death toll ay sumampa sa 63,959 makaraang magkaroon ng 38 na bagong nasawi sa COVID-19. RNT/JGC