COVID-19 cases sa Pinas papalo na sa 100K

COVID-19 cases sa Pinas papalo na sa 100K

August 1, 2020 @ 4:53 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malapit nang sumampa sa 100,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa kung saan sa pinakahuling update ng Department of Health ngayong unang araw ng Agosto.

Ito ay makaraang pumalo sa 98,232 ang kabuuang bilang ng virus sa bansa.

Bagong nadagdag dito ang 4,963 kumpirmadong kaso mula sa isinumiteng report ng 74 mula sa 94 operational licensed laboratories.

Habang ang aktibong mga kaso ay umabot na sa 30,928.

Karagdagang 93 naman ang naitalang gumaling sakit kaya nasa 65,265 na ang kabuuang recoveries laban sa COVID-19.

Sa nasabing karagdagang kumpirmadong mga kaso, 4,841 (98%) ang nangyari noong July at 3,981 (80%) naman ang nangyari sa loob ng 14 na araw mula July 19 hanggang August 1.

Ang NCR ang may pinakamaraming naitalang mga kaso sa loob ng 14 na araw na nasa 2,087 o 52%; Region 4A, 959 o 24% at Region 7 na 223 o 6%.

Samantala, mayroon namang 17 bagong mga pumanaw sa sakit sanhi upang umabot na sa 2,039 ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Sa nasabing bilang ng mga nasawi, 13 (76%) ang nangyari noong July at 4 (24%) noong June.

Mula naman sa NCR ang 5 o 29% na nasawi; Region 4A, 5 o 29%; Region 7, 4 or 24%; Region 1, 2 o 12% at Region 9, 1 o 6%.

Mayroon namang 85 duplicates na inalis sa total case count.

Sa bilang na ito, anim ang recovered cases at isa ang tinanggal na nasawi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...