COVID-19 cases sa PNP sumampa na ng 30K

COVID-19 cases sa PNP sumampa na ng 30K

July 28, 2021 @ 6:01 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sumampa na sa 30,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police.

Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 68 bagong kaso sa mga tauhan nito kaya’t 30,010 na ito sa kabuuan.

Umakyat naman sa 29,012 ang mga gumaling matapos makarekober ang 275 pa.

Pumalo naman sa 81 ang mga nasawi dahil sa isa pang pumanaw sa COVID-19.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 917 pang mga tauhan ng PNP.

Naiulat sa Quezon City Police District ang 82 tauhan na tinamaan ng sakit habang anim sa Manila Police District. RNT/ELM


  •  
  •  
  •