COVID-19 cases sa Region 4-A lumolobo

COVID-19 cases sa Region 4-A lumolobo

November 18, 2020 @ 11:53 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines Lalo pang lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa Region 4-A.

Sa huling tala ng DOH-CALABARZON,umakyat na sa 58,528 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa rehiyon dahil na rin sa  bagaong karagdagang 337 na kaso kung saan nasa 7,498 naman ang aktibong mga kaso.

Nadagdagan naman ng 393 ang mga gumaling sa nakamamatay na sakit dahilan para umabot na sa kabuuang bilang na 49,481 ang mga nakarekober.

Gayunman, lima lamang ang nadagdag sa mga pumanaw kaya ang kabuuan nito ay nasa 1,549.

Ang mga sumusunod na mga lugar na may naitalang mataas na kaso ng COVID-19 ay pinangunahan ng Laguna, Cavite, Rizal, Batangas at Quezon gayundin ang recoveries.

Habang ang mga lugar na may naitalang mataas na bilang ng nasawi ay ang Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, at Quezon.

Patuloy namang nagpapaalala ang DOH-CALABARZON na sumunod lagi sa ipinatutupad na health minimum standards upang hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •