Covid-19 hospital, nasunog sa oxygen tank; 50+ katao natusta

Covid-19 hospital, nasunog sa oxygen tank; 50+ katao natusta

July 13, 2021 @ 11:25 AM 1 year ago


IRAQ – Natusta  sa sunog ang hindi bababa sa 50 katao sa isang ospital sa Iraq makaraang magsisabugan ang mga oxygen tank na gamit sa panggagamot sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease-19 o COVID-19 kaninang umaga.

Ayon kay Dr. Ammar al-Zamili, spokesperson ng local health department ng Nasiriya City, naganap ang sunog sa al-Hussein hospital na sadyang inilaan sa lahat ng mga nagkakasakit sa COVID-19.

Nagsimula umano ang sunog nang sumabog ang isang oxygen tank at sumunod nang nagsisibugan ang iba na nagbunga ng matinding sunog.

Bukod sa mga nasawi na maaari umanong ikinadamay na rin ng mga doktor at iba pang health worker, mayroon na ring nasagip na mga nasa kritikal na kondisyon.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ang mga search ang rescue sa paghahanap ng mga posibleng iba pang nadamay sa sunog.

Matatandaang nagkaroon na ring ng malaking sunog sa Ibn Khatib hospital, Baghdad, Iraq nitong nakaraang Abril na ikinamatay ng 82 katao at ikinasugat ng iba. Fred Cabalbag