COVID-19 mask mandate kakalusin ng HK sa Marso 1

COVID-19 mask mandate kakalusin ng HK sa Marso 1

February 28, 2023 @ 1:52 PM 4 weeks ago


HONG KONG- Aalisin na ng Hong Kong ang COVID-19 mask mandate nito, ayon kay chief executive John Lee  nitong Martes, sa layuning makahikayat ng mga bisita at negosyo at bumalik sa normal na pamumuhay tatlong taon matapos maghigpit sa financial hub.

Epektibo ang panukala mula Miyerkules, ayon kay Lee sa isang press briefing. Isa ang special administrative region of Hong Kong sa mga lugar sa mundo na nagpapatupad pa rin ng mas mandate.

Parehong tumalima ang Hong Kong at Macau sa zero-COVID policy ng China sa nakalipas na tatlong taon. Sinimulang luwagan ng Hong Kong ang COVID rules nito noong nakaraang taon subalit pinanatili ang pagsusuot ng mask mula 2020.

“We think this is the best timing to make this decision. It is a clear message to show Hong Kong is resuming normalcy,” sabi ni Lee.

Sa high risk na mag lugar gaya ng mga ospital, ang pamunuan ang magdedesisyon kung rekisitos pa rin sa staff at mga bisita na magsuot ng mask.

Inanunsyo ng special administrative region Macau nitong Feb. 26 that na kakalusin na nito ang COVID 19-related mask requirements para sa maraming mga lugar, maliban sa public transportation, mga ospital at iba pang lugar.

Sa mainland China, hindi rekisitos ang pagsusuot ng mga residente ng mask kapag nasa labas, bagama’t hinihikayat ito ng mga awtoridad sa public indoor areas gaya ng mga paliparan at istasyon ng tren. RNT/SA