COVID-19 pandemic ‘di pa tapos – eksperto

COVID-19 pandemic ‘di pa tapos – eksperto

November 14, 2022 @ 11:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic, ayon sa isang doktor nitong Lunes, kahit na lumiliit na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa bansa.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo ng 1,858 bagong kaso ng COVID-19, dahilan para pumalo sa 4,018,253 ang kabuuang kaso ng impeksyon sa bansa.

“Hindi pa natin masasabi na tapos na tayo ‘no, dahil ngayon, at this point ng pandemic, mababa lang ang mga kaso at at least wala nang masyado napunta sa hospital, so very manageable at this point in time but the fact [is] na nandito pa rin yung virus,” ani Dr. Rontgene Solante.

“Andito pa rin yung mutations saka yung may mga bago na namang variants of concern na lumilitaw sa ibang bansa,” dagdag niya.

Sinabi ng infectious diseases expert na kapag patuloy na ang pag-uulat ng mga bansa na walang bagong COVID cases, tsaka pa lamang masasabing tapos na ang pandemya.

“Once countries are not reporting any more cases, then that’s already the end of the pandemic.”

“So at this point we need to monitor pa rin dahil marami pa ring, may mga kaso pa rin in fact dito sa Western Pacific, like part of that is…Japan, South Korea, mataas-taas pa rin ang kaso based doon sa (World Health Organization) epidemiological update so talagang hindi pa natin nakikita ang end of the pandemic,” paliwanag niya. RNT/SA