COVID-19 pandemic malapit nang magwakas – mga eksperto

COVID-19 pandemic malapit nang magwakas – mga eksperto

July 19, 2022 @ 6:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng grupo ng health at economic experts nitong Martes ang kumpiyansa na nalalapit nang magwakas ang COVID-19 pandemic at posibleng nag-peak na rin umano ang coronavirus cases sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni dating National Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na hindi na ititnuturing ang COVID-19 bilang emerging infectious disease ngayon, kung kaya’t kinakailangan nang gumawa ng pamahalaan ng institutional arrangements alinsunod sa kasalukuyang pandemic situation sa bansa.

Ito ay reaksyon sa plano ng Department of Healts (DOH) na i-reconstitute ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at magkaroon lamang ng member agencies na “relevant and intended functions.”

“IATF’s concept is really in the beginning of an emerging infectious disease. I don’t think I can consider COVID today, after three years, still an emerging infectious disease. It’s just one of the diseases. In fact we have more dengue cases today,” pahayag ni Herbosa sa Pandesal Forum.

“I think we are in the endgame of the pandemic. It’s the third year. I really think that things have to come back to less temporary and more institutional arrangements,” dagdag niya.

Sang-ayon din si Herbosa na kailangan ng pag-streamline sa IATF sat kinakailangan ng implementasyon ng “appropriate response” sa pagtugon sa pandemic situation sa kasalukyan.

Ito rin ang naging pahayag ni dating presidential adviser for entrepreneurship na si Joey Concepcion, at iginiit na kinakailangang tutukan ng pamahalaan ang pagpapalawak ng booster coverage sa bansa.

“We’re in the endgame. We just have to accept the fact that in the end, people are just feeling more comfortable with Omicron and you don’t see people really dying like in Delta. You may see people with long COVID, yes, but people are just starting to get on with their lives. If you look at people in America, Europe, and other countries, they don’t really care anymore,” aniya.

Pinaalalahanan naman ng independent monitoring group OCTA Research ang publiko na sa kabila ng kanilang obserasyon, nasa gitna pa rin ang Pilipinas ng COVID-19 surge, kung kaya’t kinakailangang palawakin ng pamahalaan ang IATF at isama ang independent scientists at experts mula sa mga pribadong sektor.

“OCTA is in agreement that we’re at the end stage given how the COVID has evolved with Omicron as a dominant variant that things are more manageable now, hospitals don’t seem to be overwhelmed and serious cases are very low,” ani OCTA Research fellow Professor Ranjit Rye.

“But we’re still in the midst of a surge, we’re still in the midst of managing it. Unless there is an exit plan, and this is the challenge for the administration, I think we should agree with streamlining IATF and its functions, but we’re suggesting to expand its science advice,” dagdag niya.