COVID-19 pandemic malayo pa sa sukdulan— WHO chief

COVID-19 pandemic malayo pa sa sukdulan— WHO chief

January 19, 2022 @ 11:55 AM 7 months ago


GENEVA, Switzerland – Malayo pa sa sukdulan ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, Martes.

Kasabay ito ng pagbabala niya sa mga ulat na sinasabing mild lang ang  mabilis na kumakalat na Omicron variant.

“This pandemic is nowhere near over, and with the incredible growth of Omicron globally, new variants are likely to emerge,” anang WHO chief.

Matatandaang iginiit ng WHO na maling sabihin na mild lang ang Omicron variant. RNT