COVID-19 pangatlo sa ‘top causes’ ng pagkamatay sa unang 10 buwan ng 2021 – PSA

COVID-19 pangatlo sa ‘top causes’ ng pagkamatay sa unang 10 buwan ng 2021 – PSA

January 17, 2022 @ 3:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Pangatlong dahilan ang coronavirus disease 2019 sa mga binawian ng buhay sa Pilipinas sa unang 10 buwan ng 2021.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nanguna rito ang ischaemic heart disease na may 110,332 kaso o 18.3% ng total deaths.

Mas mataas ito ng 28.0% kaysa 86,164 death o 16.9% ng kabuuang nasawi noong 2020.

Pangalawa naman dito ang cerebrovascular diseases kung saan naitala ang 58,880 nasawi.

Habang umabot naman ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa 75,285.

Pinakamataas naman ang bilang ng nasawi sa National Capital Region na pinangunahan ng Quezon City na may 3,955; Manila City na may 2,558; at Pasig City na may 1,832.

Pumangalawa naman ang Calabarzon na may 16,630 o 22.1% at Central Luzon na may 14,252 o 18.9%. RNT/FGDC