COVID-19 peak sa NCR posibleng naabot na-OCTA

COVID-19 peak sa NCR posibleng naabot na-OCTA

August 12, 2022 @ 5:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maaari nang naabot ng National Capital Region ang COVID-19 transmission peak, ayon sa OCTA Research Group ngayong Biyernes.

Sinabi ni Prof. Guido David sa panayam sa Teleradyo, na bumababa na ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila, at pati sa Iloilo.

“Yung nakikita namin na baka nag-peak na sa Metro Manila, hopefully tuloy-tuloy na yan pero sa Metro Manila and sa Iloilo and maybe a few other provinces pa lang yun. Kasi sa iba pang regions ay tumataas pa lang yung bilang ng kaso, hindi pa, wala pa sa peak,” ani David.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni David ang publiko na hindi pa rin dapat makampante ang mga ito dahil patuloy pa rin ang hawaan ng COVID-19 sa bansa.

“Hindi tayo alarmed, hindi tayo nagtataas ng alert level, but we must still be aware kasi, yun nga may mga pumapanaw pa rin. Meron pa rin nagiging severe at critical cases kaya may mga namamatay,” aniya pa. RNT