COVID-19 positivity rate sa NCR sumampa sa 16%  – OCTA

COVID-19 positivity rate sa NCR sumampa sa 16%  – OCTA

July 23, 2022 @ 9:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sumampa sa 16% ang COVID-19 daily positivity rate sa National Capital Region (NCR) at patuloy sa pagtaas, ayon sa independent group na OCTA Research nitong Biyernes ng gabi.

Mas mataas ito kumpara sa 14.6% positivity rate sa NCR na unang naiulat ng OCTA nitong Biyernes ng umaga.

Samantala, bumaba naman ang one-week growth rate ng bagong COVID-19 cases sa 15%, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Umabot naman ang average daily attack rate (ADAR) sa 6.43 kada araw kada 100,000 hanggang nitong Hulyo 22, dagdag niya.

Naitala naman ang 34% healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR habang ang ICU occupancy ay 26%, batay sa OCTA.

“Both are still below 50%,” giit ni David.

Nitong Biyernes, nakapagtala ang Department of Health ng 3,389 bagong COVID-19 cases pinakamataas sa loob ng limang buwan. RNT/SA