COVID-19 protocols niluwagan  sa Beijing Winter Olympics

COVID-19 protocols niluwagan  sa Beijing Winter Olympics

January 27, 2022 @ 5:48 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Niluwagan ng organizers ng Beijing Winter Olympics ang COVID-19 testing requirements sa mga kalahok upang maging magaan para sa mga kalahok ang pagpasok sa China.

Ayon sa ulat, ginawa ang pagbabago sa COVID-91 protocols sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Dahil sa pagbabago, darating sa Beijing ang mga atleta  na walang kahirap-hirap,

Base sa report, sa mahigit 3,000 Olympic arrivals ay nakapagtala sila ng 106 na nagpositibo sa COVID-19 mula pa noong Enero 4.

Agad din namang inilalagay sa isolation ang mga nagpopositibo sa virus.

Kasama sa pagbabago ang imbes na 14 days isolation ay gagawin na lamang itong 7 days.JC