COVID-19 reproduction number ng NCR sumipa sa 1.15 – OCTA

COVID-19 reproduction number ng NCR sumipa sa 1.15 – OCTA

July 22, 2021 @ 10:11 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mula sa 1.08 ay sumipa pa sa 1.15 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research.

“Iyang reproduction number, iyan ang nagsasabi gaano kabilis ang hawaan. Kapag more than one, ibig sabihin mas mabilis na siya… bumibilis siya. ‘Pag less than one, it means bumabagal siya,” paliwanag ni Professor Guido David sa interbyu sa Unang Balita.

Ibinabala niya rin na maaring bumalik sa 10,000 kada araw ang maitatalang COVID-19 cases sa mga susunod na linggo dahil sa Delta variant cases sa bansa.

Matatandaan na sa pagpapatuapad ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified MECQ, bumulusok sa 0.6 ang reproduction number sa NCR.

“Sa report niyo nga, 1.06. Ngayon kasi tumaas na ulit, 1.15 na siya,” ayon pa kay David.

Kapag umabot sa 0.9 at 1.1 ang reproduction number, ikinokonsidera na itong moderate at-risk.

“Ibig sabihin nasa high risk na ‘yon, ibig sabihin nasa high risk na ang NCR sa reproduction number,” ani David sabay ng pagpapaliwanag na sa kapag may 10 taong nagpositibo sa COVID-19, nasa 11 indibidwal ang inaasahang mahahawaan.

Ani David na maaaring ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay dahil na sa pagkalat ng Delta variant.

“It’s possible, binabantayan nga namin yung trend sa Delta variant. Nakita natin sa ibang bansa napakabilis niya, it’s 50% more infectious compared to Alpha and Beta variant,” aniya pa. RNT


  •  
  •  
  •