COVID-19 reproduction number sa NCR pumalo sa 1.5 – OCTA

COVID-19 reproduction number sa NCR pumalo sa 1.5 – OCTA

July 4, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Lunes na pumalo ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa 1.5.

Nangangahulugan ang reproduction number sa bilang ng mga taong nahahawa mula sa isang indibidwal. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na bumabagal na ang pagkalat ng virus.

“Ni-recalibrate namin ‘yung reproduction number so medyo bumaba ng kaonti ‘yung value niya. Pero nasa mga 1.5 to 1.6 siya sa Metro Manila at saka dito sa ibang areas,” ani OCTA fellow Guido David sa Laging Handa briefing.

Inilahad din ni David na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa NCR at iba pang mga lugar sa Calabarzon, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Benguet, at Western Visayas.

“Sa nakikita natin, tumataas na ‘yung bilang ng kaso pero hindi ganon kataas ‘yung nakikita nating nagiging bilang,” ani David sa Laging Handa briefing.

“And then from there baka magkaroon na ng downward trend. Pero, again, these are just projections. Pwede magbago ang mga ito,” patuloy niya.

Para kay Davidm ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay maiuugnay sa Omicron subvariants na BA.4 at BA.5. RNT/SA