COVID-19 response una pa rin kay Duterte kaysa 2022 elections – Roque

COVID-19 response una pa rin kay Duterte kaysa 2022 elections – Roque

July 8, 2021 @ 5:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na hindi isinasantabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginagawang pagtugon ng bansa sa COVID-19 at iprayoridad ang kanyang possible 2022 poll bets.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa tanong kung ano ang prayoridad ng administrasyon matapos na hayagang ideklara ng Pangulo na ang kanyang longtime aide na si Senator Bong Go ang nais niyang magtagumpay.

“It the priority hasn’t changed; it’s still COVID-19. But what do you do pandemic or not? Elections are coming, so political parties prepare and candidates need to file their COC (certificate of candidacy),” ayon kay Sec.Roque.

Ang paghahain ng COC para sa political aspirants ay nakatakda sa unang linggo ng Oktubre ngayong taon.

“COVID pa rin po ang problema. Pero nakasaad sa Saligang-Batas na magkakaroon ng halalan sa Mayo. Habang nasa pandemya, pinag-uusapan na ang pulitika pero ang prayoridad natin, COVID-19 pa rin at pagbangon sa pandemyang ito,” ayon kay Roque.

Sa kabilang dako, binasura naman ni Sec. Roque ang ulat na pag-iingay ng Ateneo School of Government ukol sa kabiguan ni Pangulong Duterte na matupad ang pangako nito na i-deliver ang anti-COVID vaccines noong Disyembre 2020.

Nito lamang kasing Marso 1, 2021 ay nagawang makapagsimula ng pamahalaan para sa roll out ng vaccination program laban sa COVID-19.

“Hindi na po kami nagugulat, Ateneo po ‘yan,” ayon pa kay Roque. Kris Jose